Advertisers

Advertisers

E-SABONG TALAMAK SA OBET CAYETANO FARM SA BRGY PULONG BAYABAS, SAN MIGUEL, BULACAN

0 18

Advertisers

BULACAN – Nanawagan ang mga netizen sa lalawigang ito na linisin ng kapulisan ang talamak na online gambling, partikular ang kilalang online sabong na umano’y sumisira sa maraming pamilya, maging sa mga batang mag-aaral.

Ang panawagan ay kanilang ipinaaabot kina DILG Secretary Jonvic Remulla at PNP Chief Nicolas Torre at sa Cybercrime Investigations and Coordination Center na nangunguna sa kampanya ng gobyerno para puksain ang illegal online platforms.

Itinuturo ng isang opisyal ng Kapitolyo rito na ang lugar na pinagdarausan umano ng ilegal na sabong sa internet ay ang isang gamefarm sa Barangay Pulong Bayabas, San Miguel na ang pangalan ay OBET CAYETANO FARM.

“Maraming nagkalat na master agents ang nagpapataya, at ang online na tayaan ay makikita mo celfon sa kamay ng kahit mga batang mag-aaral “ pahayag ng nagsusumbong na opisyal.

Dagdag nito: “Maging mga pulis at kasundaluhan at mga kawani ng mga tanggapan ng mga lokal na pamahalaan ay naaadik sa sugal na e-sabong.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Kamakailan lamang ay nagpalabas si Sec. Remulla ng memorandum sa lahat ng tauhan ng mga lokal na gobyerno at maging ng kapulisan na nagbabawal sa kanila na makisali sa online gambling.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamamagitan ng Executive Order nitong No. 09, na bawal o ilegal na ang online sabong.

Sa panawagan ng mga netizen ay hinikayat nila ang mga mamamayan sa buong pamayanan ng lalawigang ito na aktibong makilahok sa pagsugpo ng anumang klase ng ilegal na sugal, lalo na ang e-sabong.

“Kaya maraming tamad na padre de pamilya ang nalulong sa e-sabong, at maraming nakawan ng mga manok ang nangyayari sa aming lugar dahil dedma lang ang mga otoridad ng lalawigan sa mga nangyayaring ilegal tulad diyan sa Obet Cayetano Farm sa Barangay Pulong Bayabas sa San Miguel,” pagtatapos ng nagsumbong na opisyal ng Kapitolyo.