Advertisers
ISINAMA na rin sa travel restriction ang People’s Republic of China (PRC) dahil sa banta ng bagong variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Bukod pa riyan, kabilang din ang mga bansang Pakistan, Jamaica, Oman, at Luxembourg.
Inihayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, epektibo ang naturang kautusan pagsapit ng hatinggabi ng ika-13 hanggang ika-15 ng Enero, taong 2021.
Nilinaw ni Roque na papahintulutan pa rin makapasok ng bansa ang mga Filipino mula sa ibayong dagat pero kakailanganin ng mga ito na sumailalim sa 14-day quarantine. (Josephine Patricio)