Advertisers
PINASKIL ng De La Salle University ang 29-27, 25-14, 12-25, 21-25, 15-13, wagi laban sa defending champion Far Eastern University (FEU) Sabado ng gabi para makamit ang unang semifinal berth sa V-League Collegiate Challenge sa Paco Arena Sports and Events Center.
Cameroon Middle blocker Issa Ousseini umiskor ng 23 points off 19 attacks, three blocks, at one service ace para sa ikalimang dikit na tagumpay ng Green Spikers.
Chris Hernandez nagdeliver ng 16 points on 13 attacks,two blocks, at one ace at gumawa ng 21 excellent receptions para sa La Salle, na makakatapat ang karival Ateneo de Manila University (3-2) sa Setyembre 6 alas 12 ng tanghali.
Saavedra nagtapos ng 21 points on 19 attacks at two blocks,habang si Lirick Mendoza nagdagdag ng 17 points,kabilang ang seven blocks.
Amet Bituin umiskor ng 12 points,11 points on attacks,habang si Espartero bumakas ng nine points at 15 excellent receptions at seven digs para sa FEU. na nalasap ang kanilang unang kabiguan sa apat na laban.