Advertisers

Advertisers

Alden nadagdagan ang pogi points

0 21

Advertisers

Ni Archie Liao

Marami ang humanga kay Alden Richards dahil sa panawagan niya sa kanyang tweet.

Sa kanyang panawagan sa X social media, ibinahagi ng aktor ang video ng dalawang batang gusto niyang ipahanap.

Tweet niya: “Patulong ako pahanap yung 2 bata please”

Ang tinutukoy niyang dalawang bata ay parehong sampung taong gulang na dahil sa karalitaan ay kailangang magtrabaho para maitaguyod ang kanilang mga pamilya.

Ang isa ay nag-aararo ng ektaryang bukirin samantalang ang ikalawa ay tagalinis ng isda sa palengke sa GenSan.

Sa nasabing clip, makikita rin ang pagkukumpara ng kalagayan ng mga ito sa kumportableng buhay ng mga contractor at mga pamilya nito na nagpapayaman umano sa nakaw na pera sa kaban ng bayan.

Dahil sa hanash niyang ito, nadagdagan ang kanyang pogi points.

Ito ang ilan sa mga komento ng kibitzers.

“Alden, thank you for using your platform and influence on things that matter. GISING NA! SOBRA NA!”

“Alden salamat ??????”

“Hindi talaga kami nagkamali ng inidolo”

“Kagigil, ‘no?! Salamat sa paggamit ng platform at influence para maghayag ng injustice at inequity. Padayon ha!”

“Nakakaiyak talaga ang kalagayan ng kababayan natin na naghihirap dahil sa kasakiman ng mga taong nasa gobyerno,sana marami pang katulad mo na buong pusong tumutulong”

“Ok na yung pamumuhay ng batang lalaki, marami ng tumulong sa kanya noong nafeature sya sa KMJS.”

“Makipag ugnayan sya KMJS ni Jessica Soho dun sa program nila sila na feature. Yung batang lalake ang dming tumulong sa kanya. May nagbigay ng alagaing kalabaw, baboy at manok. Yung batang babae parang mga 2 months ago pa lang nung pinalabas yung episode nya.”

“He asked his followers to find these kids and he got the info na. So for sure, he will help them directly. No need idaan sa KMJS. Alden has his own scholarship foundation.”

“I commend celebrities and philanthropists who do help out in ways they can, but this also serves as a wake up call for Government Agencies, LGUs to be accountable and responsible for these kind of issues/concerns.Puro kasi corruption even on rank and files.”

“Not a fan. But big respect.”

“Salamat Alden!! More of these please! Sabay sabay tayong mangalampag.. i myself, hindi ako mapost sa fb, pero this time talagang bawat nakikitang kong additional info, interviews kila vico sa mga experts, i repost it. Yung mga ganong info ang kailangan ng madaming views para magising bawat pilipino.”

“He rarely takes on political issues. He can even choose not to care kasi mayaman na sya. But he knows his social responsibility as an artist and influencer. Thank you, Alden!”

“Alden has a good heart. He helped ate guy for the longest time. Tahimik, walang fanfare. One to emulate si Alden..”