Advertisers

Advertisers

Higit 23K PDLs napalaya sa ilalim ng Marcos admin

0 9

Advertisers

IBINIDA ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na naitala ng ahensya ang pinakamataas na bilang ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) na napalaya sa loob lamang ng tatlong taon ng kasalukuyang administrasyon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni Catapang na umabot na sa mahigit 23,000 PDLs ang napalaya mula nang manungkulan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas mataas pa kumpara sa anim na taong termino ng mga nagdaang administrasyon na nakapagpalaya lamang ng hanggang 21,000.

Paliwanag ng opisyal, malaking bahagi ng paglaya ng mga bilanggo ay dahil sa mas pinaigting na pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) na inaprubahan sa tulong ng koordinasyon ng Korte Suprema, ehekutibo at lehislatura.



Dagdag pa ni Catapang, ito rin ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit bumaba ang congestion rate sa New Bilibid Prison mula 313% noong 2022 patungong 243% ngayong taon.

Ipinunto pa ng BuCor chief na tinaguriang “number 2 super mega prison” ang New Bilibid Prison dahil sa dami ng nakakulong dito na umaabot sa 30,000.



Ngunit ngayong taon, nasa 22,000 na lamang aniya ang populasyon ng nabanggit na bilangguan. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">