Philippine Film Heritage Building ‘di tinapos, depektibo…PROYEKTO NI FL LIZA BINABOY DIN NG KONTRAKTOR NA DISCAYA!
Advertisers
NAGLABAS ng galit si First Lady Liza Araneta Marcos sa mga kontraktor nang hindi natapos na gusali at depektibong Philippine Film Heritage Building na kaniyang proyekto para maging tanggapan sana ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa Intramuros, Maynila.
Ayon kay FL Liza, ang higit P200-million na gusali ay isang monumento ng bulok na kapalpakan at isang pambabastos sa mga alagad ng sining.
Nariyan ang tumutulong tubig sa bubong, bitak na pader, hindi tapos na teatro, at kisameng may mantsa ng tubig kahit hindi pa opisyal na nabubuksan ang gusali.
Ang Great Pacific Builders, na pag-aari ng pamilya Discaya, ang kontraktor ng proyekto.- RMN Manila