Advertisers

Advertisers

Speaker Romualdez huwag pagoyo sa 2 sinibak na palace officials senior staffs nasa tahanan mo ngayon!

0 62

Advertisers

Nais ng mga Ka Usapang HAUZ na balaan o abisuhan ang Ama ng House of Representatives na si Speaker Martin G. Romualdez sa dalawang nasibak na Malacanang Palace Officials Senior Staffs na pawang kalahi ni Eva.

Para sa kaalaman ng butihing house speaker Romualdez tinanggal sa puwesto ang dalawang lady senior officials sa palasyo dahil sa kabi-kabilang katiwalian at pagmamalabis sa kanilang pinanghahawakang puwesto sa gobyerno.

Speaker Romualdez sir, mainit ang usapin ngayon sa kamara na itong dalawang lady former Malacanang officials ay sa bahay mo ngayon sa kongreso naghahasik ng lagim, dahil malakas ang loob ng dalawa dahil kinakanlong sila ngayon ng two of your powerful house leader, sinasabing malapit sa iyo speaker Romualdez?

Bigyan pa natin ng tip mga Ka Usapang HAUZ ang ating house speaker, Sir ang isa sa dalawang Palacae official ay nagsisilbi ngayon bilang Chief of Staff ng powerful lady solon at ang kasama niya ay nasa opisina naman ng isang bata, ngunit mataas na lider ng Kamara.

Teka muna bago natin ituloy ang pagbibigay impormasyon sa kagalang-galang na house speaker ay nais nating i-Shoutout si”Yeye” labis na lumalawak ang galamay mo, may flood control project ka na control mo pa rin ang pagrerekominda ng scamer na palace officials?

Ibang klase rin kung magpadrino ang dalawang sinibak na palace officials, alam nyo ba mga Ka Usapang HAUZ na isang Ms. N na naka assign sa Senate ang nautusan nitong dalawang lady officials na humanap ng nakakakilala sa inyong lingkod para tigilan ang pagbatikos sa kanilang ilegal na gawain.

Hindi lang isa ang tumawag at nag message sa inyong lingkod para ipahinto ang ating inilalathala sa Usapang HAUZ hinggil sa dalawang palace officials na sinibak.

Aba’y kung sino sino pa ang kinakausap ng inutusan nyong si Ms. N para tayo makausap, Mga Madam puwede ko naman ilagay ang panig nyo para sa prinsipyo ng patas na pamamahayag, subalit make it sure na mapapaniwala nyo ang Sambayanan.

May banta sila na bubuweltahan para siraan naman ang opisyal ng Malakanyang na nagrekomendang sila ay ipatanggal sa pwesto noong Hunyo 2024.

Para pa sa kaalaman ni Speaker Romualdez si Yeye, sir ang sinasabing nagpadrino para mailapit ang dalawang dismissed Palace officials sa liderato ng Kamara upang maipwesto na senior staff ng dalawang influential House leaders na posible umanong hindi batid ang ginawang katiwalain ng mga ito, ayan sir speaker baka kilala mo si alias Yeye na sinasabing bagyo sa kongreso?

Ito pa Sir Speaker Romualdez nais ring iparating sayo at sa nilundagang Congressman na baka gamitin ang iyong opisina para muling magawa ang sistema ng kickback at manipulation ng dalawa kung kaya’t nasibak sila sa Malacanang.

Batay sa mga reklamong ipinarating sa Malakanyang laban sa dalawa, tatlong pangunahing pamamaraan ang kanilang ginamit.

Una, ang koleksiyon mula sa kontratista. Kinakaltasan umano ng 20–30% ang mga kontratistang kasali sa infrastructure projects, habang sa soft projects tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Umaabot sa 10–15% ang hinihingi.

Ikalawa ang pagbabago ng listahan ng proyekto sapagkat silang dalawa ang naatasan noon na mag-compile ng projects mula sa LGU at mambabatas. Binabago umano ng dalawa ang listahan bago isumite sa DPWH at DBM. Pinalalabas umanong ito ay may basbas ng kanyang boss upang mapondohan agad ng Kongreso.

Pangatlo ang direktang koleksiyon. Kapag napondohan ang proyekto, mismong silang dalawa ang nakikipagpulong sa mga kontratista upang manghingi ng pera “para sa kanilang boss.” Nabisto ang kanilang “kickback scheme” nang magsumbong ang kanilang mga biktima derecho sa Palasyo.

Reklamong nagpasiklab ng aksyon kung saan isang maliit na proyekto ng isang LGU sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) ang nagsiwalat ng mas malaking operasyon. Ipinabatid ng alkalde – na malapit na kaalyado ng isang mataas na opisyal sa Malakanyang na ang dalawang lady officials ay nangolekta ng 20% komisyon gamit ang pangalan ng kanilang boss.

Dating naninirahan sa bungalow house ngayon isang mansion sa Cebu na nagkakahalaga ng P45M, Isang condominium na nagkakahalaga ng P35M, Madalas na overseas travel gamit ang Travel Authority mula Palasyo, Mga Koleksiyon ng mga mamahaling gamit at bag mula Hermès, Chanel, Bottega, Gucci, Prada, Loewe, at Dior.

Kasabay nito, iniimbestigahan din ang favorite contractor ng dalawa na NB Builders, na sangkot umano sa anomalya ng flood control projects sa Mindanao.

Sa kabila ng pagkakasibak, maraming kasamahan nila sa Malakanyang ang nagtanong kung paanong nakapwesto agad sa Kongreso ang dalawa?

Sa dami ng impormasyon na nakalap ng Usapang HAUZ sa dalawang lady officials ay baka mapuno ang isang pahina ng Police Files Tonite o baka sumobra pa, kaya muli nating paalalahanan ang buting House Speaker Martin G Romualdez na mag-ingat at huwag padala sa boladas ng dalawa.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036