Advertisers

Advertisers

31 DISCAYA VEHICLES WAWASAKIN! – BOC

0 14

Advertisers

POSIBLENG sirain o isailalim sa public auction ang mga sasakyan ng mag-asawang kontraktor na sina Sarah at Curlee Discaya kung mapatunayang lumabag sa batas sa importasyon at pagbabayad ng buwis.

Kinumpirma ito ng Bureau of Customs (BOC) at inihayag na 31 sasakyan ng mag-asawang Discaya ang nasa kustodiya na ng ahensya.

Bahagi ito ng pagsisiyasat sa umano’y iregularidad sa pag-import at pagbabayad ng buwis na nag-ugat sa pagkakasangkot sa flood control projects scandal.



“Ang kabuuang bilang po na kasalukuyang nasa kustodiya ng Customs, ang bilang po ay 29 plus two,” ayon kay BOC Deputy Chief of Staff Atty. Chris Noel Bendijo nitong Martes.

Kabilang aniya rito ang 29 luxury vehicles at 2 all-terrain vehicles (ATV) na hindi inirerehistro sa Land Transportation Office (LTO).



Kasalukuyan din itong naka-impound sa St. Gerrard property ng Discaya sa Pasig City simula pa Setyembre 2, batay sa search warrant.

Una nang sinabi ng BOC na natuklasan nitong kulang sa dokumento ng duties at taxes ang karamihan sa luxury vehicles at may mga kahina-hinalang import entries.



Sa ngayon ay isa-isang bineberipika ang vehicle identification numbers (VIN) at mga entry para matiyak ang findings, at kung lumabag ay maglalabas ng warrant of seizure and detention ang BOC at isailalim ang mga sasakyan sa condemnation.