Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
TOTOO ba na may nagbabadyang awayan (o suntukan?!) sa nalalapit na presscon ng kontrobersyal na pelikulang Anak Ng Macho Dancer?
Buong ningning kasi na nagpahayag ang bagong Totoy Mola na si Ricky Gumera na mapupunta sa kanya si Joed Serrano na producer ng pelikula (via his Godfather Productions), na sakaling walang karelasyon na pulis si Joed ay si Ricky daw ang tiyak na boyfriend ni Mr. P.
Pero ang co-star ni Ricky sa Anak Ng Macho Dancer na si Miko Pasamonte, wagas kung tawaging babe si Mr. P (Joed) kaya naman napapikon na si Ricky.
Pero deadma si Miko sa pagkapikon ni Rikcy; ayaw magpaawat si Miko sa pagsuyo kay Joed, walang kagatul-gatol nitong sinasabing sila ni Joed ang magkarelasyon!
At dahil isang guro, tila kaya mga estudyante na aawatin ni Mhack Morales (co-star nina Ricky at Miko sa Anak Ng Macho Dancer) sina Ricky at Miko kapag nagpang-abot at mag-upakan ang dalawa sa presscon (at birthday celebration ni Joed) upang magkaalaman kung sino ang magmamay-ari ng alindog at mahabang buhok ni Rafunzel, este ni Joed?
Tungkol pa rin kay Miko, nakalipat na ito sa bagong bahay na ibinigay ni Joed. Ito ay hindi dahil may relasyon nga sila kundi dahil tinupad lamang ng mega-producer ang pangako niya sa tinaguriang newest sex symbol ng panahon ngayon.
Speaking of Joed/Mr.P/Rafunzel, ratsada ang kanyang Godfather Productions sa paggawa ng pelikula ngayong 2021 kesehodang may pandemya pa rin dala ng coronavirus.
Pagkatapos ng showing ng Anak Ng Macho Dancer this January, heto ang lineup ng mga pelikula ng Godfather Productions ni Joed…
Kontrabida (starring Nora Aunor & Charles Nathan); Ang Bagong Totoy Mola (Ricky Gumera); The Loves, The Miracles & Life of Joed; Lockdown: Kapit Sa Patalim (Paolo Gumabao & Sean de Guzman); Burlesk Ang Huling Sayaw; Banat; Macho Gay; Monay & Everything; M.I.L.F.; Matinee Idol; Cybersex (The Mico Pasamonte Story); My Bestfriends Husband (Romnick Sarmenta, Sheryl Cruz and Joed Serrano); Matrona; Mga Batang Tondo, Artista Ako, Eh; Super Pogi & Friends; Libog; Sir (Mhack Morales) at Binili Kong Pag-ibig.
***
MARK HERRAS MAS TYPE NANG MAGING KONTRABIDA KAYSA BIDA
KONTROBERSYAL ang bagong episode ng Magpakailanman ngayong Sabado ng gabi sa GMA.
Sadyang napapanahon ang usapin tungkol sa rape at pang-aabuso sa mga kababaihan, may mga biktima, may mga napaparusahan.
Pero paano na lamang kung sa halip na parusahan ay ipakakasal ka sa lalaking nagsamantala sa iyong pagkababae?
May titulong I Married A Rapist, ang MPK episode na ito ay pagbibidahan nina Mark Herras at Anna Vicente, sa direksyon ni Neal del Rosario.
May pagka-kontrabida ang papel dito ni Mark, na siya naman niyang gusto.
“Ako natuwa ako kasi di ba ‘yung tina-target ko talaga na character kasi is kontrabida na,” say ni Mark.
“Ayaw ko nang magbida, e.”
Bakit?
“Dun tayo sa kontrabida, para… mas masarap laruin yung character.”
At dahil mas may pressure kapag bida?
“Hindi naman sa may pressure pero hindi ko naman inisip yun. Kasi di ba for almost eighteen years ‘yung role ko laging leading man, or bida or… goody-goody, laging ganun.
“Gusto ko namang manakit,” at tumawa si Mark.
Minsan pa lamang naging kontrabida si Mark at ito ay sa The Cure noong 2018.
“So nagpapasalamat ako sa GMA kasi nga sinuportahan nila yung ganito, na gusto kong i-try yung panibagong part ng career ko.”
“Hindi ako mahihirapan na pumasok ng ibang show. Kasi nga yung role ko is character and kontrabida.
“And normally pag kunyari yung mga lead roles ng mga co-actor ko sa GMA, siyempre hindi naman puwede na pagkatapos ng isang show, next show ikaw ulit.
“Siyempre magbibigayan kayo. Hindi naman palaging…
“So ako inisip ko na baka after this puwede ako sa iba, baka bigla akong kunin sa ibang show para magkontrabida ulit.”