Advertisers

Advertisers

Kasong rape isinampa Laban kay Marikina City Congressman Teodoro!

0 51

Advertisers

Mas mabigat pa sa kontrobersiya ng flood control project ang problemang kinakaharap sa ngayon ni House of Representatives Marikina City 1st District Rep. Marcy Teodoro matapos itong kasuhan ng dalawang lady cop sa tanggapan ng Department of Justice ng ibat ibang kaso ng sexual abuse.

Halos hindi pa naipapaliwanag na mabuti ni House Committee on Peoples Participation Chairman Rep. Teodoro ang pagkakasangkot nito ng Multi Million pesos ghost flood control project ng mga Discaya ay isa na namang kontrobersiya ang kinakaharap nito hindi usaping pera kundi usaping tawag ng laman.

Nakasalang ang kasong Acts of lasciviousness and rape by sexual assualt sa tanggapan ng DoJ laban kay Teodoro matapos na hindi na makayanan ng dalawang Lady Cop na isang 25 anyos na Patrolman at isang Non Commission Officer na pawang close in security ng Mambabatas mula sa Marikina PNP ang ginagawang kahalayan sa kanila.

Sa tulong ni Marikina PNP Chief PCol. Mike Estrera nagkalakas ng loob ang dalawang lady cop ng personal nitong samahan ang kanyang mga tauhan na magsampa ng kaukulang kaso laban kay Rep. Teodoro.

Base sa testimonyo ng dalawang biktima makailang ulit ng ginagawa sa kanila ang sexual abuse kung saan ay biktima rin ang ilan pang staff nito sa parehas na gawain.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng National Headquarters sa Kampo Crame ang dalawang police woman na biktima umano ni Teodoro habang hinihintay ang isasagawang pagdinig.

Samantala sa inilabas na statement ni Rep. Teodoro mariing itinanggi ng Mambabatas ang akusasyon sa kanya kung saan ito umano ay malisyoso at hindi tutuo. (Cesar Barquilla)