Advertisers

Advertisers

Rep. Co inilagay na sa ILBO – DOJ

0 14

Advertisers

INIHAYAG ng Department of Justice (DOJ) na nakalagay na rin sa Immigration Lookout Bulletin Order si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na idinadawit sa isyu ng maanomalya at palpak na flood control projects ng pamahalaan.

Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, awtomatiko nang sinusubaybayan ang galaw nito mula nang mabanggit ang kaniyang pangalan sa isyu.

Una na rin kasing binanggit ni Remulla noong Martes na isa si Co sa mga opisyal na inirekomenda ng National Bureau of Investigation na sampahan ng reklamo.



Muli ring nakaladkad ang pangalan ni Co sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Miyerkules, Setyembre 25, matapos sabihin ng kaniyang dating empleyado na si Orly Guteza na nagde-deliver siya mismo ng pera sa bahay ng kongresista.

Samantala, kinumpirma ng DOJ na nasa tinatawag na “provisional acceptance” ngayon ng Witness Protection Program sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo, Bulacan District Engineer Henry Alcantara, assistant engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.



Kasama rin ang mag-asawang contractor na sina Curlee at Sara Discaya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">