Advertisers

Advertisers

Batas para sa Persons with Autism (PWAs), isinusulong ni Sen. Raffy Tulfo

0 26

Advertisers

Inihain ni Sen. Idol Raffy Tulfo noong Martes, September 30 ang Senate Bill (SB) No. 1430 o “Autism Cooperation, Accountability, Research, Education and Support (A-CARES) Act of 2025” na layong obligahin ang gobyerno na maglatag ng mga komprehensibong programa para tulungan ang persons with autism (PWAs) sa kanilang mga pangangailangan at magpatupad ng mga akmang polisiya na nagpapalawak sa kaalaman at wastong pag-unawa tungkol sa autism.

Ayon sa datos ng Autism Society of the Philippines, naitalang na may 1 out of 100 na Filipino ay may autism, wala pa rito ang mga kasong hindi nada-diagnose nang maigi. At hanggang ngayon ay wala pa ring sapat na suporta at integrated approach ang gobyerno.

Marami at magastos din ang mga pangangailangan ng PWAs, at kadalasan sila rin ay ikinahihiya at kinukutya dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga taong nakakasalamuha nila.

Sa nasabing panukala, ipinunto ni Sen. Idol na dapat magtaguyod ang pamahalaan ng malinaw at matatag na sistema sa early detection at pag-diagnose kung ang isang indibidwal ay may autism at kung paano sila agad mabibigyan ng maagap na intervention.

Dagdag pa ni Sen. Raffy, inilatag niya rin sa SB1430 ang pagbibigay access sa dekalidad na edukasyon ng PWAs at maging employment opportunities sa kanila nang walang diskriminasyon upang sila ay makapamuhay nang malaya sa kani-kanilang mga komunidad.

Bukod pa rito, nakasaad din sa SB1430 ang pagbibigay ng tuloy-tuloy na education and training programs sa public service providers tungkol sa autism kaakibat ng paghikayat sa pribadong sektor na magbigay ng mga serbisyong sumusuporta sa mga programa ng pamahalaan para sa PWAs.

Binigyang-diin ni Sen. Tulfo na sa pamamagitan ng SB1430, tiyak na tinutukan at garantisadong mabibigyan ng kongkretong tulong at assistance ang mga PWAs tungkol sa kanilang kalusugan, employment at higit sa lahat, pamumuhay sa lipunan.