Advertisers
Ni Archie Liao
Noong una ay pangarap ni Rabin Angeles na maging neurologist.
Namatay daw kasi sa brain aneurysm ang kanyang tatay kaya gusto niyang maging instrumento na gamutin ang mga taong nasasadlak sa kaparehong sitwasyon.
Pero, nagbago raw ang lahat dahil na rin sa kahirapan nila sa buhay.
Pinangarap daw niyang mag-artista at nabigyan naman siya ng bit role sa isang project kung saan ay kumita siya ay P400.
Sa isang digital na BL series daw naman siya nakilala kung saan supporting lang ang kanyang role.
Dahil sa dami ng kanyang followers, mas sumikat daw siya kesa bida ng nabanggit na serye.
Gayunpaman, naunsyami raw ang kanyang karera dahil ipinahamak siya ng kanyang kayabangan.
Mula noon, nakintal daw sa kanyang kaisipan na huwag mag-attitude o maging mayabang.
Itinuturing din niyang malaking blessing ang pagkakasama niya sa isang series kung saan tampok ang tambalang AshDres.
Sa panayam sa vlog ni Toni Gonzaga, sinabi niya na goal niya na maipagpatayo ng sariling bahay ang kanyang ina kaya siya nagpupunyagi.
Mas focused din daw siya sa kanyang career kesa lovelife.