Advertisers

Advertisers

Pinili ng LGUs para sa online learning…‘CHERRY MOBILE TABLETS NA PINAMAHAGI NG CALOOCAN GOV’T. SA MGA ESTUDYANTE DEKALIDAD!’

0 332

Advertisers

SA gitna ng pandemya na kinakaharap ng bansa, nagkaroon ng requirement sa online learning devices ang Local Government Units (LGUs) upang matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante, at isa na rito ang City Gov’t ng Caloocan.
Kaugnay nito, sila ay nagbigay ng specific technical specification at customization ng tablet na ekslusibo sa online learning ng kanilang mag-aaral. Ang Cherry Mobile ay nag-supply ng Cosmos 7 tablet na alinsunod sa customizes specifications.
Ang Cosmos 7 ay bagong model mula sa device hanggang sa packaging. Hindi ito mabibili sa kahit saang mobile stores dahil dinebelop ito ayon sa guidelines ng Caloocan City Gov’t.
“Ang Cherry Mobile Cosmos 7 ay sinigurong dumaan sa masusing quality control and inspection ng aming Research and Development team,” ayon kay Lonson Alejandrino, AVP-Product Development ng Cherry Mobile.
“Kagaya ng ibang LGUs, hangad namin bilang Filipino brand ang makatulong at makagaan sa adjustments na kinakaharap ng mga mag-aaral sa distant learning sa gitna ng pandemic. Sinigurado namin ang Cosmos 7 tablet ay bagong model at hindi pa nailabas sa merkado,” dagdag pa niya.
Mula 2009 nagsumikap ang Cherry Mobile upang magbigay ng de-kalidad at abot kayang devices para sa mga Pilipino.