Advertisers
ARESTADO ang isang MMA fighter nang mahulihan ng nasa 1.8 kilogram na ‘kush marijuana’ na may market value na P2.8 million sa ikinasang buybust operation sa may bahagi ng Cubao, Quezon City nitong weekend.
Kinilala ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang nahuling MMA fighter na si Gary Espinar, residente ng Lajoya Subdivision, Barangay Dila, Sta Rosa, Laguna.
Naaresto si Espinar ng mga tauhan ng Northern Police District- Drug Enforcement Unit (DEU).
Ayon kay Sinas, ang pagkakaaresto sa MMA fighter ay follow-up operation sa naunang buybust operation noong gabi kungsaan nakuhanan ang mga target ng 180 grams na kush marijuana at tinuro na si Espinar na source ng kanilang droga.
(Gaynor Bonilla/Boy Celario)