Advertisers
SINIGURO ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na patuloy ang paglilinis at reporma sa kagawaran sa gitna ng imbestigasyon sa maanomalyang multi-billion flood control projects.
Kasunod din ito ng ibinunyag ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste na presensiya ng mga kontraktor sa mga regional at provincial office ng DPWH.
Ayon kay Sec. Dizon, tatanggalin at walang sisinuhin mula sa pinakababa hanggang sa matataas na opisyal ng kagawaran na sangkot sa anomalya.
Aniya, ang pagbabago ay dapat na magsimula sa loob ng kagawaran, gaya ng payo sa kaniya ng dating DPWH secretaries na sina Rogelio “Babes” Singson at Ping de Jesus.
Dagdag pa ng kalihim, patuloy ang pagpapalabas ng mga show cause order at pagsasampa ng kaso kapag napatunayan na dawit sa mga maanomal-yang infrastructure project.
Una naring nagbitiw sa pwesto si DPWH Undersecretary Arrey Perez matapos pangalanan ni Cong. Leviste na ang na-sabing opisyal ang may koneksyon sa kontraktor.
Pero giit ni Dizon, hindi makakalusot sa imbestigasyon ang opisyal ng DPWH kahit nagbitiw na ang mga ito sa pwesto.