Advertisers
PATAY ang 33-anyos na manager nang pagsasaksakin ng karibal nitong barbero sa Barangay Pajo, Alfonso, Ca-vite, Sabado ng gabi, Oktubre 18.
Kinilala ang biktima sa pangalang Albert, 33-anyos, ng Brgy. Pajo; at kinilala ang salarin na si Hospicio, 28, isang barbero, ng Brgy. Poblacion 2 sa naturang bayan.
Sa ulat ng Alfonso Municipal Police Station, luma-labas sa imbestigasyon na nagtungo ang salarin sa apartment ng biktima at ng live-in partner nito, na dati niyang kasintahan.
Lasing umano ang lalaki nang maganap ang insidente at sa sobrang galit, inundayan nito ang biktima.
Agad namang rumesponde ang mga opisyal ng barangay at nadakip ang salarin, habang dinala ang biktima sa pagamutan subali’t idineklara itong wala nang buhay.