Advertisers
HINDI bababa sa pitong kandidato noong May elections ang tumanggap ng donasyon mula sa mga kontraktor, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, apat sa kanila ay tumakbo sa pagka-senador habang dalawa ay mula sa hanay ng partylist.
Base, aniya, ito sa nakuha nilang datos mula sa 21 contractors na kanilang nakitang tumulong sa kandidatura ng mga tumakbo noong mid-term elections at sa mga isinumiteng statement of contributions and expenditures (SOCE) ng mga tumakbo sa nakaraang halalan
Sa ngayon ay hinihintay pa ng Cemelec ang serti-pikasyon ng DPWH para matiyak kung may kontrata sa gobyerno ang natukoy na 21 contractors.
Hindi na binanggit ni Garcia ang pangalan ng pitong kandidato na tumanggap ng donasyon dahil nagapapatuloy pa ang pagsisiyasat hinggil dito. (Jocelyn Domenden)