Advertisers
NAPASOK ng mga kawatan ang sangay ng National Food Authority (NFA) office sa Barangay San Ignacio, San Pablo City, Laguna nitong Lunes ng madaling-araw, Oktubre 20.
Batay sa ulat ng San Pablo City Police, naganap ang insidente 1:10 ng madaling araw.
Ayon sa imbestigasyon, nakapasok sa front gate ng NFA compound ang tatlong magnanakaw na pawang naka-bonet at camouflage jacket, habang natutulog ang nakatalagang guwar-diya.
Pagkapasok, pinuntahan ng dalawang magnanakaw ang isa pang roving guard na noo’y tulog rin at tinutukan ito ng baril sa likod.
Matapos itali ang nasabing guwardiya, pinilit ng mga magnanakaw na ihatid sila sa opisina ng branch manager.
Doon, ginising ng mga armadong magnanakaw ang manager at pinadapa rin at tinali ang kanyang mga kamay.
Pagkatapos, winasak ng mga magnanakaw ang vault sa cashier’s office at tinangay ang hindi pa natutukoy na ha-laga ng salapi.
Sinusuri na ng mga awtoridad ang CCTV footage sa paligid ng tanggapan upang makatulong sa pagkaka-kilanlan ng mga magnana-kaw.