Advertisers

Advertisers

APCU KINONDENA ANG ‘FAKE NEWS’ NG REUTERS

0 70

Advertisers

MARIING kinondena ng Association of Philippines-China Understanding na walang katotohanan ang akusasyon ng Reuters bilang isang kaanib ng Communist Party of China .

Ito ang naging reaksyon ng APCU nitong Martes (Oct. 21) hinggil sa malisyoso, mapanirang pahayag ng Reuters, gayunpaman, patuloy nilang isusulong ang pagkakaibigan at pagtutulungan sa pagitan ng Pilipinas at China sa kabila ng mapanirang artikulo o ‘fake news’ ng isang kilalang global news and information company.

Nabanggit umano nina McPherson at Karen Lema mula sa isang artikulo ng balita ng Reuters , na Anglo-Saxon media, na mayroong ugnayan ang APCU sa CPC subalit ito ay ‘haka-haka’ lamang at bahagi ng isang demolition job mula sa mga kilalang politiko ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay APCU Chairman Atty. Raul Lambino, ang CPC ay hindi kailanman naging kasosyo ng APCU ngunit ito ay isang pakikipagtulungan sa pagitan ng Pilipinas at ng Chinese Embassy.

Binatikos ni Lambino ang Reuters na ang APCU ay hindi pinondohan ng CPC, ngunit isang kaakibat ng ASEAN China Friendship Association na magpapatuloy sa mga aktibidad nito.

Dagdag ni Lambino na hanggang sa mga pekeng social media accounts ay walang kinalaman ang APCU at hindi sila nakikibahagi sa anumang pekeng account. Walang pekeng social media account ang APCU.

Kaugnay nito, marami ring kabataang Tsino ang bumisita sa Pilipinas para sa mas matatag na kapatiran at pagtutulungan.
Sa Tsina, nagtatag din ang APCU ng mga Philippine Studies Center na nagpaunawa sa kanila ng higit pang impormasyon tungkol sa Pilipinas.

Naging daan din ito para sa mga oportunidad sa relasyong pang-ekonomiya at itinataguyod ang Pilipinas bilang destinasyon ng mga turista.

Ang APCU ay isang non-government organization (NGO) na nakatuon sa pagtataguyod ng people-to-people diplomacy,pagkakaibigan, at pag-uunawaan sa pagitan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng cultural at academic exchanges, economic cooperation, at sisterhood city programs.

Ito rin ay naging instrumento sa pagtatatag ng mga opisyal na diplomatikong relasyon ng Pilipinas at China noong 1975 at nagpatuloy sa gawain nito sa pamamagitan ng mga hakbangin tulad ng Manila Forum at ang Award for Promoting Philippines- China Understanding. (JOJO SADIWA)