Advertisers
“Inumpisahan na namin sulatin ang kasaysayan ng Project Gintong Alay,” yan ang balita ni Mike Keon nang maging panauhin siya sa OKS@DWBL noong isang Lunes.
Mababasa na rin natin ang inside story ng tagumpay at hirap ng mga kampeon na manlalaro gaya nina Lydia de Vega, Elma Muros, Renato Unso, Isidto del Prado.
May bahagi rin tungkol kay Tatang de Vega, ang ama ni Lydia.
Mismo si Keon, ang project director ng sports program na itinatag taong 1979, at si author-journalist Noel Albano ang mamumuno ng book team.
Parehong manunulat ang mga magulang ni Mike habang si Noel ay ang may-akda ng When We Were Champions, ang kasaysayan ng basketball sa bansa.
Ilang ulit na sila nagpulong upang balangkasin ang magiging laman ng libro.
Kabilang sa grupo ng Gintong Alay book ay ang mga batikang sportwriter na sina Lito Cinco, Bong Pedralvez at Iggy Dee.
Medyo naantala ang proyekto dahil naging abala si Keon bilang alkalde ng Laoag.
Blessing in disguise na hindi na siya ang mayor kaya naka-focus na siya sa istorya ng G.A.
” Gusto kong malaman ng lahat ang kwento ng G.A. upang maging inspirasyon at maraming aral na mapulot,” paliwanag ng runner noong kanyang kabataan
” Sa Baguio mas mainam kasi malamig at mataas ang altitude tulad ng klima sa maraming venue ng mga International event ay isang lesson na matututunan, ” dagdag ng pamangkin ni Apo Marcos.
Gusto niya rin sana tell all nguni’t kailangan balanse rin ang naratibo.
Baka sa 2027 pa raw natin matunghayan sanhi na marami pang mga atleta na dapat makapanayam nila.
***
Grabe ipinapamalas na game ni Austin Reaves ng Los Angeles lalo na ang huling tatlo na parehong absent sina LeBron James at Luka Doncic. 41, 51 at 28 plus winning shot.
Pag balik ni The Don ay nakabuslo rin ng 28.
All Star ang dating na MVP contender pa nga kung tuloy-tuloy ang laro.
Ang layo na sa noo’y undrafted rookie na sinugalan ng Lakers.
Sulit na sulit ang bawa’t dolyar na sinusuweldo
Tiyak hindi pakakawalan nina Rob Pelinka yan lalo na kung magretiro na si LBJ sa isang taon.
***
Dahil sa sama ng serbisyo ng Converge sa amin ay nagpasiya na akong tapusin na ang subscription sa kumpanya. Hindi na natin babqyaran ang latest nilang billing.
Hanggang ngayon sira pa rin ang cable at nawala pa ang Internet habang naka-ere tayo sa OKS@DWBL minsan.
Kahit kanilang customer service representative sa call center wala ring kwenta. Napuputol at biglang ipapasok ang survey nila.
Napuno na kami.
Kahit maganda ipakitang laro ng Fiber-xers ay wala itong magagawa sa masamang reputation nila sa taong bayan.
Sa huli nilang laban olat sila sa SMB. Beh buti nga. Damay ang team sa negatismo.
Good bye Converge!