Advertisers

Advertisers

LEGALIDAD NG ICI,KINUWESTIYON SA KORTE SUPREMA

0 15

Advertisers

Minsan na rin nating naisulat. dito sa PFT ang ating matibay na paniniwalang ang pagtatatag ng Independent Commission on Infrastructure ((ICI) ay may mga kuwestiyong legal.

Kamakailan lamang,nanawagan at ipinabubuwag ng isang guro na si John Barry Tayam ang Independent Commission for Infrastructure sa Korte Suprema nang ihain nito ang isang petisyon.

Sa isinumiteng ‘petition for certiorari’, layong bigyan kaliwanagan mula sa Kataas-taasang Hukuman ang legalidad sa pinirmahang kautusan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ang inisyu kasing Executive Order #94 ng Pangulo ay ang siyang nagtatag sa komisyon upang imbestigahan ang maanomalyang mga proyekto ng pamahalaan lalo na pagdating sa flood control.

Sa isinumiteng petisyon,hiniling na bigyan ng kaliwanagan mula sa Kataas-taasang Hukuman ang kontrobersiya.

Ang inisyu kasing Executive Order #94 ng pangulo ay ang siyang nagtatag sa komisyon na Independent Commission for Infrastructure upang imbestigahan ang maanomalyang mga proyekto ng pamahalaan lalo na pagdating sa flood control.

Kung kaya’t sinabi ng petisyoner na siTayam na maglabas ng resolusyon ang Korte Suprema para matukoy ang legalidad ng naturang kautusan.

Naniniwala ito na mahalagang malaman ang desisyon ng Korte Suprema sapagkat ano pa man ang ilabas nitong resolusyon ay tiyak naman aniyang may mabuting maidudulot.

Giit niya’y ‘win-win situation’ raw ito dahil sakali mang paburan ang kanyang petisyon ay tuluyang mabubuwag ang komisyon.

At kung hindi man ay magbubukas ito ng daan para mabigyan ng mas malawak o mabigat na kapangyarihan ang naturang komisyon.

Samantala, ipinaliwanag pa ng petitioner ang kanyang argumento kung bakit nararapat na maideklarang ‘unconstitutional’ ang itinatag na komisyon.

Binigyang diin nito na bago gumawa ng panibagong komisyon sa pamamagitan ng ‘executive order’ ng Pangulo ay dapat aniya’y pnaglalaanan muna ito ng kaukulang pondo o budget.

Ss linyadang Ito ng pangangatwiran,ating kinakatigan ang petisyoneer at naniniwala tayong sapat ang mga probisyon ng batas para ideklarang iligal ang pabuo ng ICI sa bisa ng isang executive order lamang ni Marcos Jr.

Naniniwala din tayo na binuo ang komisyon hindi para pagkalooban ng tunay na hustisya ang mga mamamayang Pilipino kundi iligtas sa pananagutan ang mga kaalyado ng Pangulong Marcos Jr. at ang kanyang sarili mismo.

Isa itong desperate move to save his presidency, to be more frank and brutal.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com