Advertisers

Advertisers

Magno bagong NBI chief

0 12

Advertisers

PORMAL nang isinalin ni retired Judge Jaime Santiago ang posisyon bilang Director ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Atty. Angelito Magno.



Naghain si Santiago ng kanyang ‘irrevocable resignation’ noon pang Agosto pero kamakailan lang inaprubahan ni Pangulong “Bongbong” Marcos, matapos italagang Ombudsman si dating Justice Secretary “Boying” Remulla.

Nanungkulan si Magno bilang Assistant Director sa ilalim ng liderato ni Santiago bago siya itinalaga bilang NBI Officer-in-Charge

Sa turn-over ceremony nitong Lunes ng umaga, sinalubong ng mga empleyado at opisyal ng NBI si Magno ng masigabong palakpakan.

Itinuturing na ‘insider’ sa NBI si Magno, na nagsimula sa pinakamababang posisyon sa kagawaran – isang career officer, batikang imbestigador na naglaan ng mahigit 33 taon ng serbisyo sa bureau, simula bilang isang project worker noong 1991.

Tumaas ang kanyang ranggo sa Special Investigator, tapos naging Investigation Agent, Head Agent, Regional Director, hanggang Assistant Director, bago itina-laga bilang Officer-in-charge.

Nais ni Magno na ipagpa-tuloy ang mga nasimulan ni Santiago, partikular ang pagsugpo sa korapsyon.
(Jocelyn Domenden)