Advertisers
Patay ang dalawang lalaki nang barilin ng mga gunman sa Hilltop Village, Bulanao, Tabuk City, Kalinga nitong Linggo ng madaling araw, Nobyembre 16, 2025.
Kinilala ang mga biktima na sina Davyn Basangal Balinte mula Pinukpuk, Kalinga, at alyas “David”.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Kalinga Provincial Police Office (KPPO), batay umano sa salaysay ng mga nakasaksi sa pangyayari, dalawang hindi pa nakikilalang lalaking suspek ang bumaba mula sa kanilang motorsiklo at kinuha ang tatlong cellphone at P4,000 mula sa mga saksi.
Dahil wala nang maibigay ang mga saksi bukod sa mga nakuhang pag-aari, binaril na lamang sila ng mga suspek.
Bilang resulta, nagtamo ang mga biktima ng tama ng bala ng baril sa ulo at dibdib na sanhi ng kanilang agarang pagkamatay.
Samantala, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin dahil sa suot na sombrero at bonnet. (Fidel Caloma)