Advertisers

Advertisers

Sabay Na Pumirma Ng Kontrata! Pauline Mendoza At DJ Jhai Ho Nasa ALL ACCESS TO ARTISTS Na; Claire Dela Fuente Grill & Seafoods Dinudumog PaRin At Dinarayo Ng Mga Celebrity!

0 32

Advertisers

Ni Peter Ledesma

Last Nov 13 sa Limbaga 77 Cafe Restaurant ay pormal ng ipinakilala sa entertainment media and vloggers sina Pauline Mendoza at DJ Jhai Ho ng ALL ACCESS TO ARTISTS, bilang additions sa kanilang mga AAA big stars. Masaya at emotional itong si Pauline habang ibinibida na sa tanang career niya, ay ngayon lang daw siya pipirma ng kontrata sa Triple A. Well ayon naman sa President at CEO ng said Talent Management na si Direk Mike Tuviera dahil nagkatrabaho na sila sa GMA 7 ni Pauline ay nakita ni Direk Mike na hindi lang maganda ang actress at talented kundi marami pa raw ito pwedeng gawin na pwede nilang ibigay like teleserye, movie at endorsement na gustong-gusto gawin ni Pauline. Actually tama si Direk Mike dahil maging kami ay nahuhusayan dito kay Pauline. At nagmarka talaga sa amin ang perfomance nito sa “KAMBAL KARIBAL” lalo na sa pinagbidahan nitong serye sa GMA 7 na “BABAWIIN KO ANG LAHAT” kung saan nakipagsabayan talaga siya sa pag-arte kay Carmina Villaruel. Well, ayon kay Pauline ay this year lang nag-end ang contract with GMA Network. Malungkot raw siya at nag-paalam na siya sa TV Network na nagbigay sa kanya ng break at mga project at the same time ay masaya raw siya sa mainit na pag-welcome sa kanya ng kanya na ngayong AAA Family nina Direk Mike, Ma’am Jaqui L. Cara Head of Operations and Sales) at COO at CFO na si Sir Jojo C. Oconer.

Samantala, kapamilya, naman kung ituriing nina Direk Mike, Ma’am Jacqui, at ni Sir Jojo ang sikat na Radio & TV Personality na si DJ Jhai Ho. Yes madalas kasi ay si DJ Jhai, ang kinukuhang host sa mga event ng Triple A. At dito ay nakita ni Tuviera kung gaano kasuhay at kagaling mag-host ang tinaguriang Beshy ng Bayan. At sobrang bilib talaga siya sa talent nito. Kaya after Pauline ay si DJ Jhai naman ang nag-signed ng contract. After pumirma ng kontrata kina Direk Mike, Ma’am Jaqui, at Sir Jojo C. Oconer. Ay naging emotional si DJ Jhai at nagpaalam na kasi siya sa Star Magic Philippines para sa bago nga niyang tahanan na alam niyang aalagaan siya. At ilan sa mga gustong gawin ni Jhai Ho, ay makagawa ng project na drama. Yes gustong-gusto raw niya na gumawa ng mga drama scene at nakapag-acting workshop na raw siya before. Then movie siyempre na ang gusto niya ay kay Direk Mike at wish niyang makasama ang DongYan couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes at siya raw ang third party. Tawanan ang lahat sa mga binibitiwang joke ni DJ Jhai na maging si Direk Mike ay napaisip bigla. But marami talagang magagandang plano ang Triple A sa bago nilang alaga. At first project sa kanila ni Jhai ay bongga agad. Yes going global na rin ang ALL ACCESS TO ARTISTS LIVE. At si Jhai ang buwenamo, na magho-host ng 2 araw na big event na Philippine Festival Tokyo 2025. Gaganapin ito sa Nov 29 at Nov 30, 2025 sa YOYOGI PARK, SHIBUYA TOKYO JAPAN. And knowing DJ Jhai na isang crowd drawer ay kayang-kaya nitong dalhin ang show. Tapos may mga naka-line up na rin siyang hosting sa iba’t-ibang bansa. Makakasama pala nitong performers sa Philippine Festival ang mga co-artist sa Triple A na sina Kitty and Kakai. Also Zeus Collins & Sheryn Regis. Ganyan magmahal at kahusay mag-handle ng kanilang mga Talents ang AAA Family.



***

Very memorable, sa amin itong Resto ng iconic friend ko at Pini-R ng matagal na si Ms. Claire Dela Fuente. Yes, noong nabubuhay pa si Ms. Claire ay marami kaming magagandang alaala sa kanyang CLAIRE DELA FUENTE GRILL & SEAFOODS. Every year tuwing birthday namin ng Bff kong si Pete Ampoloquio, Jr na Publicist rin ni Ms. Claire. Ay parating may pa-blowout sa amin ang Karen Carpenter of the Philippines. At na-eenjoy talaga namin ang lahat ng order naming mga food na sobrang sarap naman talaga lahat. At fresh lahat ng seafoods rito. Now na nasa heaven na si Ms. Claire at ang bunsong negosiyanteng anak na si Mick De Guzman ang siyang namamahala ng said Resto. Dahil kilala na ito ay patuloy itong dinudumog ng kanilang mga customer na talagang loyal sa kanila. At mula noon, hanggang ngayon ay puntahan rin ito ng mga kapwa celebrity ni Claire. Kumain rito at nag-taping ang mag-asawang parehong komedyante na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco at kaibigan at halos kasabayan ni Ms. Claire sa showbiz na si Eva Eugenio. Gabi-gabi ay pamilya at grupo-grupo ang mga nagda-dine in rito sa CLAIRE DELA FUENTE GRILL & SEAFOODS, na ang location ay sa may Seaside, Macapagal Bvd, Pasay City. May function rin dito para sa iba’t-ibang event, na pwede kayong magkantahan!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">