Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Tulad ng ibang love team na sumikat noong dekada 2000, may sariling following din ang tambalan nina Rafael Rosell at Denise Laurel.
Katunayan, malaki ang panghatak ng dalawa dahil dama ang sexual tension tuwing nagsasama ang dalawa sa isang proyekto.
Nakilala sila noon bilang love team partners sa seryeng “Precious Heart Romances.”
Sa isang panayam, inamin din ni Rafael na si Denise ang favorite niyang leading lady.
Kahit meron na rin silang pamilya, napanatili naman nila ang kanilang friendship.
Lately, nagkaroon ng sighting ng pagsasama ng dalawa.
Pinag-usapan naman ito ng kibitzers at nag-react ang mga nagmamarisol.
May ilang kafaneyan na na-miss ang kanilang tandem.
May mga humihirit nga na sana ay magbalik-tambalan sila.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Wow, sila ang favorite love team ko.”
“Love that despite na hindi sila nagkatuluyan ay nananatili silang best of friends.”
“Iba rin ang sexual chemistry nila.”
“True. Walang kupas pareho. Parang bampira na hindi tumatanda.”
“Sana gawan sila ng teleserye uli.”
“Walang kupas silang pareho.”
“Bagay kaya sila. Love them.”
“Grabe chemistry nitong dalawa. Fan ako dati ng precious heart romance??”
Si Rafael ay nagbabalik-teleserye via “The Alibi” ang pinakabagong handog ng Dreamscape Entertainment kung saan may importante siyang papel. Mapapanood na ang TV series na pinagbibidahan ng KimPau sa Prime Video.
****
Pinoy series na ‘Never the Bride’, wagi ng Bags MyPick Project at Series Mania Awards sa TCCF
Wagi ang Pinoy romantic comedy na “Never the Bride” na nilikha ni Liza Diño at iprinudyus ng Fire and Ice Media sa Taiwan Creative Content Fest (TCCF) na nag-uwi ng Series Mania Award at MyPick Project Award sa nasabing content fest.
Proud naman ang Executive Director ng Quezon City Film Commission na kinilala ang kanyang obra dahil sa orihinal na konsepto nito.
Bukod sa MyPick Project awardee, nakatanggap din ito ng audience choice prize na NTD 100,000.
“Filipino IPs are emerging, and to find a platform to share this at TCCF has been a wonderful experience. Never the Bride is about love that’s messy, complicated, but always worth fighting for,” ani Diño.
Ang “Never the Bride” ay tungkol sa sa kuwento ni Sofia Aragon isang wedding planner na hindi naman kailanman naging bride.
“Weddings are one of the Philippines’ grandest social rituals,” pahayag ni Diño. “They’re not just ceremonies but entire telenovelas in themselves. Through Sofia and her team, we explore how people build the illusion of perfection even as they’re falling apart inside, ”dugtong niya.
Ang “Never the Bride”ay may pagkakataong mai-showcase sa upcoming Series Mania Festival sa Lille, France.
Ang Taiwan Creative Content Fest (TCCF) ay isa sa leading content market sa Asya para sa mga obrang pampelikula, telebisyon at animated features.