Advertisers

Advertisers

Bea Alonzo kalat ang mga video na lantaran ang pagka-sweet sa bf na si Vincent Co

0 25

Advertisers

Ni Anne Venancio

Umani ng atensyon sa social media ang ilang video mula sa birthday celebration ng ina ni Bea Alonzo na si Mary Anne Ranollo, matapos makita ang aktres na labis ang pagiging malambing sa kanyang boyfriend na si Vincent Co.

Sa isang video na nag-trending, makikita sina Bea at Vincent na magkatabi habang nanonood ng performance, at nakayakap si Bea sa likuran ng negosyante. Sa isa pang video, magkaharap ang dalawa at hinalikan ni Bea si Vincent suot ang simpleng black shirt at black pants habang naka-white shirt naman si Vincent.

Matatandaang nitong Abril unang nag-post si Vincent ng travel photos nila ni Bea, na sinundan pa ng mga sightings kung saan kasama siya ng aktres sa ilang work trips abroad.

Umabot pa sa puntong nagpa-chopper si Vincent para sunduin ang aktres sa Siargao nang magkasakit ito dahilan para mas lalo silang pag-usapan.

Noong Agosto 2, kinumpirma ni Bea na opisyal na silang magkarelasyon. Gayunpaman, itinanggi ng manager niyang si Shirley Kuan ang kumalat na balitang ikinasal umano sila sa Spain noong Mayo.

Sa isang event kamakailan, sinabi ni Bea na masaya at payapa ang kanyang puso ngayon.

Dagdag pa niya, nakatuon muna siya sa kanyang negosyo at personal na buhay, at handa siyang bumalik sa teleserye kapag may proyektong worth it para sa kanya.