Advertisers

Advertisers

Lacson kay Galvez: Ingat ka sa mga tao sa paligid mo!

0 199

Advertisers

PINAYUHAN ni Senator Panfilo Lacson si vaccine czar Carlito Galvez Jr. matapos tanggapin ng una ang paumahin ng huli sa kanilang pulong nitong Miyerkules ng gabi.
Sinabi ni Lacson, pina-kiusapan ni Galvez si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na makausap nito ang senador para humingi ng paumanhin sa kanyang mga nasabi.
Nagkaayos naman ang dalawa at nangako si Galvez na ibabahagi sa senador ang lahat ng detalye ukol sa pagbili ng mga bakuna, gayundin ang presyo ng mga ito.
Nirerespeto rin aniya nila ang mga kondisyon sa pagbili ng mga bakuna para hindi maapektuhan ang paggdating ng mga ito sa Pilipinas sa unang tatlong buwan ng taon.
Subalit, sabi ni Lacson, pinayuhan nila si Galvez na mag-ingat sa mga tao na nakapaligid sa kanya dahil maaring tapat siya sa kanyang mga hangarin ngunit may mga ibang tao na maaring gamitin siya para sa pansa-=riling interes.
(Mylene Gregorio)