Advertisers

Advertisers

PBBM: INUMPISAHAN KO, TATAPUSIN KO…

0 16

Advertisers

“INUMPISAHAN KO, TATAPUSIN KO!” Ito ang mga katagang pinahayag ni PANGULONG Bong Bong Marcos sa lahat ng mga Pilipino kamakailan.

Ang pahayag na ito ay hinggil sa isyu ng malawakang corruption na kung saan bilyong PISO ang NINAKAW sa kaban ng bayan.

Ang perang NINAKAW ay mula sa Flood Control Project ng gobyerno na pinamamahalaan ng Department of Public Works and Highway (DPWH).

Marami ang nakinabang sa proyektong ito kabilang na ang ilan engineer at opisyal ng DPWH, mga contructor at ilan politiko mula sa Kongreso at Senado.

Dito na nabuko ang sinasabing insertion na aabot sa P100-B na ang naging puhunan lang ay laway, inpluwensiya at kapangyarihan.

Sa pamamagitan lang ng pirma at rekomendasyon ng ilan congressman at Senador, ito ay approved agad at mabilis din ang release ng pera dahil ito ay priority project para masolusyunan nga ang pagbaha sa maraming Lugar sa bansa.

Drawing lang pala at kapirasong papel ang kailangan dito dahil wala naman talagang nagawa at pawang ghost project lang ito ngunit sinasabing COMPLETED sa dokumento.

May proyekto man ginawa, ito ay masyadong tinipid dahil sa puro sub-standard material ang ginamit kung kaya’t hindi ito tumatagal at bumibigay agad.

Sa puntong ito ay hindi maiiwasan na Magalit ang taumbayan dahil sa pera nila bale ang ninanakaw galing sa mga buwis nilang binabayaran na iilan tao lang ang naki-nabang.

Hindi rin maiaalis na batikusin ng mga tao si PBBM, ilan mga congressman at Senador na malaki rin umano ang naging pakinabang dito.

Partikular na iniuugnay din dito ang kanyang pinsan na si dating Speaker Martin Romualdez at Cong. Zaldy Co na siyang head ng Committee on Appropriation.

Pinapalagay ng marami na hindi maaaring hindi alam ito ni PBBM, malamang daw na may blessing din itong binigay upang gumulong ang transakyon. Command responsibility na rin.

Sinabi rin ni Cong. Co na si PBBM at si Romualdez daw ang nag-utos sa kanya sa 100-Bilyon insertion sa Flood Control Project. Si Co ay kasalukuyang wala sa bansa at di umanoy pinipigilan sa pag-balik dito sa PINAS ni Romualdez sa utos naman daw ni PBBM.

Sa kabila nito, madiing pinabubulaanan ito ni PBBM dahil siya mismo ang unang nag-siwalat ng isyung ito sa corruption noong huling SONA noong Hulyo.

Dito ay binanggit nga niya na dapat mahiya sa kapuwa nila Pilipino ang mga taong nasa likod nito dahil sa patuloy pa ring pag-baha na mas lalo pa daw naging masahol.

Dapat aniyang tigilan na Ang proyektong ito at huwag na ring mag-release ng pera na hindi natin alam kung saan napu-punta.

Nakalipas ang ilan linggo ay pumutok na Ang Balita hinggil sa malawakang corruption na kung saan bilyong PISO ang NINAKAW sa kaban ng bayan.

Si PBBM nga naman ang unang sumita sa usaping ito bago pa ito pumutok at mabuko kanya siguro nasabi niyang INUMPISAHAN KO, TATAPUSIN ko”

Pinapangako niyang pananagutin niya lahat ng mga taong nasa likod nito ke kamag-anak niya, pinsan niya, kaalyado niya o’ sinumang taong malapit sa kanya.

Kung sila ay arestuhin at ikulong ay bahala sila sa buhay nila, hindi Ako makiki-alam.

Ang mga katagang ito na binitawan ni PBBM ay tumatak sa isipan ng mga Pilipino na syempre ay umaasa rin ng aksiyon sa lalong madaling panahon.

“INUMPISAHAN KO, TATAPUSIN KO!” – PBBM