Advertisers
I
Sa pakikipagtulungan ng ating Pamahalaang Lungsod sa Department of Trade and Industry (DTI), kabuuang siyam na indibidwal ang nakatanggap ng cash voucher na P15,000 sa ilalim ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) Program.
Ayon kay Caloocan Mayor Along Malapitan, na layunin ng programang ito na maabot ang kanyang mga kababayan na lubhang naapektuhan ang negosyo ng bagyo at baha nitong mga nagdaang buwan.
Masusing pinili ng DTI – National Capital Region Office ang mga kwalipikadong negosyante na nakapagpasa ng mga sumusunod na dokumento: DTI Certificate, rehistro sa Barangay Micro Business Enterprise (BMBE), Mayor’s Permit, valid ID, at Barangay Certificate na nagpapatunay na naapektuhan ng kalamidad ang kanilang negosyo.
“Sa ating mga benepisyaryo, hiling ko na magamit ninyo ang tulong na ito upang muling makabangon at makabawi. Maraming salamat po sa DTI sa pag-agapay sa mga Batang Kankaloo,” pahayag ni Mayor Malapitan.(BR)