Advertisers

Advertisers

PAMASKO NI YORME ISKO

0 17

Advertisers

HETO na ang pinakamaugong na anunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno tiyempo pa ngayong magpapasko para sa mahal niyang Manileño.

Maire-release na rin sa wakas ang matagal nang natenggang pondong nagkakahalaga ng higit P143 milyon para sa 896 na barangay ng kabisera ng bansa.

Ang naturang aksyon ay kinokober ang Barangay Clearance Share mula Enero 2023 hanggang Setyembre 2025. Ang Barangay Developmen Fund para sa fiscal year 2025 at 30% Real Property Tax share mula Hulyo hanggang Nobyembre 2025.

Sinabi ni Yorme na ang Barsngay Clearance Share ay kumakatawan ng kita na ang mga Barangay ay ang kaukulang tatanggap sa ilalim ng city ordinance na ipinasa sa kaagahan ng kanyang termino na naka- allign sa lungsod na Anti-Red-Tape at Ease of Doing Business Law.

Sinabi naman ni Manila City Treasurer Atty Paul Vega na nag-shift na ang lungsod sa full online business permit system through GO MANILA upang mapadali na ang transaksiyon dahil old school na ang pag-secure ng clearances direkta mula barangay na resulta ng centralized collections na naipon at di nai-remit.

Pinagtibay na rin ng pamosong alkalde ang release ng Barangay Development Fund n P12,000 bawat barangay para sa taong 2025 na naisama na approved city budget.

“ While modest in amount, the allocation is expected to support basic operational needs and small – scale community programs accross our city’s 896 barangays”, wlka ng Punong – Lungsod.

Naianunsiyo na rin ang release ng 30% share ng barangay mula RPT collection ng siyudad mula sa mandato sa ilalim ng local government code.

“ The release covering July to November 2025 is part of the city’s ongoing effort effort to normalize fund transfer and ensure that baramgays can rely on predictable revenue flows for their frontline services.”,ani pa Yorme.

Ayon pa sa City treasurer’s Office, ang pinagsamang releases sa kabuuang 6 na Distrito ay nagkakahalaga ng higit sa P 143 milyon as of October 30,2025.

Pugay sa Domagoso administration.

Pinaligaya mo ang PASKO ng lahat ng Barangay at Manileño Yorme ISKO!MISMO!!