Advertisers
ARESTADO ang isang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ng Parañaque City Police nang bantaang barilin ang lima katao sa Barangay San Antonio, Sabado ng madaling araw, Disyembre 6.
Ayon sa ulat, nilapitan ng ahente sina Michael, 29 anyos; Brenddy, 27; John, 20; Juneth, 29; at Joseph, 25, at tinutukan ng baril ang mga biktima.
Dahil sa takot, tumakas ang mga biktima at humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay, na agad tumugon at nakatulong sa pag-aresto.
Tumawag ang mga opisyal ng barangay sa pulisya, at naaresto ang ahente.
Narekober sa ahente ang isang Glock .40 caliber pistol, na napag-alamang property ng NBI, gayundin ang isang magazine na puno ng 13 bala.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Parañaque City Police IDMS ang ahente habang inihahanda ang kasong grave threat laban dito.