Advertisers

Advertisers

LTFRB CHIEF PUMALAG SA 3 INSURANCE MANAGEMENT NG IC

0 77

Advertisers

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Vigor Mendoza ang humiling sa Insurance Commission (IC) na panatilihin ang dating sistema ng paseguro sa mga pasahero ng pampublikong sasakyan sa ilalim ng Passenger Personal Accident Insurance (PPAI).

Sa apat na pahinang liham ni Vigor kay IC Commissioner Reynaldo Regalado na may petsang December 4, 2025, ang pagkakaroon ng dalawang Management Company na mangangasiwa ng PPAI ay naglalayong maproteksiyunan ang mga pasahero at magkaroon ng standard at maayos na benepisyo ang mga ito sakaling magkaroon ng aksidente.

Binigyang-diin ni Vigor sa kanyang liham sa IC ang pagkakaroon ng dalawang kompanya ng para sa PPAI ay matitiyak din ang proteksiyon ng sistema laban sa anumang katiwalian, pag-iral ng bukas o transparent na sistema na tutukoy sa mga plaka, operators, enforcers at iba pang paraan na magpapadali sa pagkubra ng benepisyo ng mga pasahero.



Nauna nang nabunyag na binigyan ng accredition ng IC ang PAMI, SCCI at Stronghold consortium na magiging Management Company ng PPAI kahit dalawang kompanya lamang ang nakatugon sa itinakdang deadline ng ahensiya.

Binigyan ng IC ng 60 days deadline ang mga insurance consortium para magsumite ng lahat ng mga dokumento, limang taon bago mag-expire ang hawak nilang accreditation.



Pumatak ng Nobyembre 30, 2025 ang deadline subalit December 1, 2025 na nakapagsumite ang Stronghold consortium kaya kuwestiyunable ang inisyu ng IC na accredition para rito.

Ayon pa kay Vigor, ang pagkakaroon ng tatlong kompanya para sa PPAI ay magpapahina pa sa kapasidad ng mga ito na matiyak ang proteksiyon ng mga pasahero na itinakda ng batas.



Tahasan ding sinabi ni Vigor na ang pagpapanatili ng dalawang kompanya para sa passengers protection ang pinakaepektibong paraan ayon sa constitutional mandate na nagtatakda ng katiyakang proteksiyon sa mga pasahero ng pampublikong sasakyan.