Advertisers
Ni Anne Venancio
Uminit ang usapan na nauwi sa hiwalayan ang namuong relasyon kina Optimum Star Claudine Barretto at Milano Sanchez, kapatid ng beteranang broadcaster at TV host na si Korina Sanchez.
Matatandaang very vocal si Milano tungkol sa magandang intensyon niya sa aktres at nangakong, “No one will ever break you,” na ikinatuwa ng mga fans dahil mukhang nakahanap na ng tunay na magmamahal ang kanilang idolo.
Base sa episode noong Disyembre 13 ng ‘Showbiz Now’ nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez, nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan sa bahay ni Milano na kinasangkutan ng isang matagal nang household helper ng pamilya. Lumipat umano si Claudine kasama ang kanyang anak na si Noah sa bahay ni Milano, ngunit naging mitsa ito ng tensiyon dahil sa kumprontasyon sa pagitan ng aktres at ng kasambahay.
Pero ang siste, mas kinampihan umano ni Milano ang kasambahay dahil matagal na itong nagtatrabaho sa pamilya at mismong si Korina pa ang nagtalaga. Lumala umano ang sitwasyon at nauwi nga sa hiwalayan ang dalawa.