Advertisers
KULONG ang isang barangay chairman at isang kasama nito nang makuhanan ng shabu ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy bust operation sa Sulop, Davao del Sur.
Kinilala ang naaresto sa alias “Kap”, 36 anyos; at kasama nitong si alias Dionisio.
Ayon kay Lawin Gabales, PDEA spokesperson, 10:15 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na mga elemento ng Davao del Sur Provincial Office ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 11, Regional Drug Enforcement Unit, at Sulop Municipal Police Station sa Purok 7, Barangay Roxas.
Nasamsam sa mga suspek ang kabuan 23 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P156,400.
Nasa kustodiya ng PDEA Regional Office 11 ang mga naaresto habang sumasailaim sa imbestigasyon.
(Mark Obleada)