Advertisers

Advertisers

PULONG BINAGO TRAVEL REQUEST: ATRAS SA 16 BANSA, 2 NALANG!

0 17

Advertisers

KINUMPIRMA ng Kamara ang pagtanggap nito sa kahilingan ni Representative Paolo “Pulong” Duterte para sa travel clearance.

Ayon sa pahayag ni Atty. Jose Marmoi F. Salonga, Executive Director ng Office of the Secretary General, ang unang kahilingan ni Rep. Duterte na may petsang Disyembre 1, 2025, na humihingi ng pahintulot na bumiyahe mula Disyembre 15, 2025 hanggang Pebrero 20, 2026, ay sasaklaw sa 17 bansang pupuntahan.

Gayunman, humingi ang Kamara ng karagdagang detalye at rebisadong kahilingan upang masuri ito ng maayos, lalo na’t tumatapat ang biyahe sa mga opisyal na araw ng sesyon ng Kongreso.

Noong Disyembre 15, 2025, nagsumite si Rep. Duterte ng panibagong kahilingan kungsaan nilimitahan ang biyahe mula Enero 3 hanggang Enero 30, 2026, at sa dalawang bansa na lamang—Netherlands at Australia.

Ayon sa isinumiteng paliwanag, layunin ng biyahe ang pagbisita sa dating pangulo, Rodrigo Roa Duterte, na kasalukuyang nakakulong sa The Hague, Netherland, gayundin ang pagbisita sa anak ng mambabatas na nag-aaral sa Australia.

Nilinaw rin ni Rep. Duterte na personal na pondo ang gagamitin sa lahat ng gastusin sa biyahe.

Sa kasalukuyan, patuloy pang sinusuri ng Kamara ang nasabing kahilingan alinsunod sa mga patakaran at administratibong proseso ng institusyon, kabilang ang pagsasaalang-alang sa opisyal na iskedyul ng sesyon.