Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Naniniwala si Enzo Pineda sa tamang panahon.
Tulad ng pag-aasawa, para sa kanya, ito ay hindi dapat madaliin.
“For me, it’s a serious commitment. A lifetime commitment. Kaya kung papasok ka, handa ka na,”pakli niya. “We should be prepared emotionally, financially and psychologically, ” dugtong niya.
Gayunpaman, sa estado raw ng relasyon nila ng girlfriend na si Michelle Vito, hindi naman niya ikinailang napag-uusapan na nila ang pagpapakasal.
“Siyempre, thirty-five years old na ako. Tapos, iyong contemporaries and friends ko, nag-settle down na,” aniya.
Hirit naman niya, hindi naman siya napre-pressure na nauna nang lumagay sa tahimik ang kanyang mga kaibigan at mga kapanabayan.
“No such thing as pressure. Basta kami ni Michelle, we try to enjoy each other’s company,” paliwanag niya.
Sey pa niya, kung may balak daw siyang mag-propose kay Michelle, gusto muna niya itong sarilinin.
“Amin na lang muna iyon. Kung mangyayari man iyon, hindi naman namin ililihim iyon ni Michelle,” bulalas niya.
Tiniyak din niyang si Michelle na ang maituturing niyang “The One” para sa kanya.
“Actually, I consider myself lucky dahil I have someone na hindi lang friend kundi partner, even sa business.Anything that I do, I do it with her. We do it together, when it comes to businesses, everything, ini-involve ko siya, at ini-involve din niya ako, “ani Enzo.
Isa raw sa itinayo nilang negosyo ay may kinalaman sa kalusugan.
“We have a Pilates studio. Pareho kasi ni Michelle na fitness buff kaya nagkakasundo kami, “ deklara ni Enzo.
Sa “Bar Boys:After School” nire-reprise ni Enzo ang papel ni Chris Carlson na ginampanan niya sa “Bar Boys” noong 2017.
This time, hindi na siya isang law student kundi isang ganap na abogado.
“Makikita mo iyong maturity ni Chris in this movie na nakaka-relate ako. Kasi, ako, ang masasabi ko, tulad ni Chris, ang laki rin ng maturity ko,” pagtatapos niya.
Mula sa direksyon ni Kip Oebanda, kasama rin ensemble cast ng “Bar Boys: After School” sina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Will Ashley, Kean Cipriano, Glaiza de Castro, Klarisse de Guzman, Therese Malvar, Sassa Gurl, Emilio Daez, Bryce Eusebio, at Ms. Odette Khan.
Opisyal na kalahok sa ika-51 edisyon ng Metro Manila Film Festival, mapapanood na ang inaabangang bar-kada movie ng taon sa mga piling sinehan sa buong bansa simula sa Disyembre 25, Araw ng Pasko.