Advertisers

Advertisers

TNVS pick-up fare, inaprubahan ng LTFRB 

0 13

Advertisers

Nagpapasalamat ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang karaingan matapos magpatupad ang ahensya ng compensatory adjustment sa pick-up fares mula December 20 hanggang January 4.

Ayon kay Lisza Redulla, tagapagsalita ng TNVS Community Philippines, bilang isang komunidad ng mga totoong TNVS drivers na bumabagtas sa kalsada upang magserbisyo sa komyuters, ang Transport Cooperative Program (TCP) ay walang tigil sa pakikipag-dayalogo sa mga regulators at Transport Network Companies TNCs) tungkol sa mga polisiya at programa na makakaapekto sa kanilang kita gaya na lamang nitong surge cut.



“Mula pa sa simula, naging aktibo ang TCP sa pagsulong ng kapakanan ng mga drivers kaya’t nakikipag-ugnayan ito sa LTFRB upang mapanatili ang implementasyon ng surge. Partikular noong nakaraang konsultasyon ng LTFRB nitong Disyembre ukol sa surge cuts, naging matibay ang aming paninindigan: Hindi maaring basta na lamang bawasan ang surge

lalo na sa holiday rush kung saan malala ang traffic na nagpapahaba ang biyahe ng bawat booking,” pahayag ni Redulla



Nitong Huwebes, naglabas ang LTFRB ng memorandum circular na nagtakda ng booking acceptance sa mga ride-hailing services bilang simula sa paniningil ng pamasahe sa mga pasahero.

Sa ilalim ng pick-up fare system na nakapaloob sa LTFRB Memorandum Circular 2025-058 na may petsang Disyembre 17, 2025, ang pick-up point ng pasahero ay magiging bahagi ng chargeable distance component para sa per-kilometer fare ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) fare structure.



Gayunapaman, ipinaliwanag ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II na ang pick-up fare system ay magiging limitado sa loob ng limang kilometrong radius at ang fare system ay nakatakda sa bawat kilometro.

Ang fixed pick-up fare charges ay nag-iiba rin mula sa uri ng TNVS vehicles—subcompact, car/sedan, AUV/SUV, at Premium

“We understand the concerns raised by the TNVS drivers and the arguments they raised are backed by studies on travel time especially in Metro Manila,” dagdag ng LTFRB chief.(Almar Danguilan)