Advertisers
ANDAMING ibinunyag ng batang bilyonaryong mambabatas na anak ni Senador Loren Legarda, si Batangas Representative Leandro Leviste.
Ang problema lang sa mga expose kuno ni Leviste ay walang mga resibo!
Sa korte, hindi tatayo ang kaso kung puros hearsy, walang ebidensya at testigong magpapatunay sa akusasyon. Ibabasura lang ito ng korte. Mismo!
Oo! Sablay pa si Leviste sa kanyang akusasyon na may malaking budget insertion (P150 million) si Bicol Saro Partylist Representative Terry Ridon nitong 2025, eh hindi pa miembro ng Kamara si Riddon noong 2024 kung kailan ginawa ang 2025 budget. Hehehe…
Biglang kambyo si Leviste na ang partylist pala ni Riddon ang may budget insertion. Sus! Eh sa botohan, hindi si Riddon ang ibinoboto kundi ang partylist. Ang partylist ay may hanggang tatlo o apat na kinatawan. Depende sa magiging boto nito kung ilan sa kanila ang uupo sa Kongreso.
Pahiya si Leviste sa akusasyon niya kay Riddon na isang matapang na abogado.
Naglabas naman si Leviste ng “Cabral list”, naglalaman ng mga insertion kuno ng mga mambabatas – congressman at senador.
Galing daw kay Cabral ang naturang listahan at aprub daw ni DPWH Secretary ang pagbigay nito sa kanya.
Kaso patay na si Cabral para patunayan na galing sa kanya ang naturang listahan at wala rin siyang mga resibo na magpapatunay na tama ang mga nakalagay sa “Cabral list”, tapos dinenay ni Dizon na may pinahintulutan siyang mag-release ng naturang listahan.
Hirit ni Leviste, ipakumpirma nalang ito sa DPWH o kaya’y ang DPWH nalang ang magsapubliko sa “Cabral list”.
Reaksyon naman ni Presidential spokesperson Atty. Claire Castro, si Leviste ang naglabas ng naturang listahan kaya siya ang dapat magpatunay na tunay ang Cabral list, hindi yung nagtuturo ito ng iba. Tama!
Sa naturang Cabral list, nakatala raw ang pangalan ng mommy ni Leviste na si Sen. Loren na mayroong bilyones na budget insertion. Pero hindi raw ito binanggit ni Leviste. Siempre! Mommy n’ya yun eh. Hehehe…
Kung maalala, nakilala ng madla itong anak ni Sen. Loren nang ipa-entrap niya ang DPWH Regional Director na nanunuhol kuno sa kanya para hindi magsalita tungkol sa “ghost” flood control sa Batangas.
In-expose din ni Leviste ang pagiging korap daw ni Batangas Cong. Edwin Gardiola.
Bumilib ang masa sa kanyang mga ginawang ito.
Pero nitong bandang huli ay lumalabas na may mga motibo na ang ginagawang pag-iingay ni Leviste. Kinansela pala ng gobierno ang kanyang multi-billion solar project. Boom!
May balak din daw si Leviste na tumakbong senador sa 2028. Yun na nga!
At lumalabas ngayon na hindi maganda ang educational backgrounds ng batang mambabatas. May kaso raw ito ng pandaraya at sinipa sa koliheyo sa Amerika. Aray ko!