Advertisers

Advertisers

PUGANTENG KOREANO, HINULI PAGDATING SA MACTAN-CEBU INTERNATIONAL AIRPORT

0 24

Advertisers

HINULI ng PNP-Aviation Security Group ang isang pugante mula South Korea na nasa watchlist ng InterPol matapos na dumating noong Martes, Enero 20,2026 sa Mactan-Cebu International Airport Domestic Terminal 1 mula sa Palawan.

Isinagawa ang pag-aresto kasunod ng pagpapatupad ng utos ng Bureau of Immigration Mission.

Ang Koreano na siyang ‘target’ ng INTERPOL Blue Notice dahil sa umano’y pandaraya, kung saan hinahanap siya ng mga awtoridad at sa tulong ng kanilang counterpart dito sa Pilipinas ay natukoy kanyang mga aktibidad at kinaroroonan.

Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng mahigpit na koordinasyon ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit, PNP AVSEGROUP-Mactan-Cebu International Airport Police Station (MCIAPS), mga operatiba mula sa Intelligence Group-Foreign Intelligence and Liaison Division (IG-FILD), at mga miyembro ng Philippine Air Force (PAF).

Matapos ang paunang pagproseso at dokumentasyon sa MCIAPS, ang indibidwal ay ibinigay sa immigration-FSU para sa wastong disposisyon alinsunod sa mga umiiral na batas at internasyonal na protocol.

Sinabi ni PNP-AvSeGroup Director PBGen Dionisio Bartolome Jr, na ang matagumpay na operasyong ito ay sumasalamin sa matibay na pagkakaisa ng mga ahensya at pinagtitibay ang matatag na pangako na itaguyod ang kooperasyon sa pagpapatupad ng batas sa buong mundo at protektahan any ating mga paliparan. (JOJO SADIWA)