Advertisers

Advertisers

JANELLA INAKUSAHAN TAMAD MAG-PROMOTE

0 20

Advertisers

Ni Beth Gelena

Nakatanggap ng mga akusasyon ang Kapamilya actress-singer na si Janella Salvador na siya raw ay “tamad mag-promote” kapag may mga proyektong ipalalabas.

Mula sa mga supporting roles, nakatanggap si Janella ng mga alok para sa mga pangunahing papel. Nagkaroon din siya ng ilang stint sa kanyang karera sa musika.

Kamakailan lamang ay may lumabas ang na naging paksa online si Janella matapos ang nakakaintrigang pahayag ng Unkabogable Star na si Vice Ganda tungkol sa mga celebrity na “tamad” mag-promote.

Kamakailan lang ay pinuri ni Vice ang kanilang mga panauhin sa It’s Showtime na sina Beauty Gonzalez at Kris Bernal, para sa pag promote ng kanilang bagong teleserye.

Dito na lumabas ang komento, “Napansin niyo ba na biglang naging topic si Janella Salvador after nung sinabi ni Vice Ganda sa Showtime tungkol sa mga artistang pumupunta lang for promo pero tamad at walang effort? Ang daming nag-comment agad na baka raw siya yun.”

Pagkatapos ay ibinahagi ng netizen ang nangyari noong Dinagyang festival sa Iloilo. Ayon sa netizen, si Janella, at iba pang mga bituin ng What Lies Beneath ay naroon upang i-promote ang kanilang palabas.

Bumaba pa ang mga cast para magpakuha ng larawan sa mga fan service.

Gayunpaman, sinabi ng netizen na hindi ito ang nangyari noong si Janella ang nagtatanghal.

“Si Janella naman, sabi wala raw siyang voice kaya isang kanta lang kinanta. Tapos sira daw sapatos niya kaya di siya makababa. Okay naman, valid reasons naman. Hindi rin naman ako pumunta para sa kanya specifically. Pero parang napa-“hmm” ka na lang,” pagbabahagi ng netizen

Dagdag pa ng netizen, hindi tulad ni Janella, ang mga Kapamilya actor na sina Jake Cuenca at JM de Guzman ay nagsikap na makihalubilo sa mga tagahanga na sobrang taas daw ng energy.

Dahil dito, hindi maiwasan ng netizen na isipin na ang pahayag ni Vice Ganda tungkol sa mga “tamad” na artista.