Advertisers

Advertisers

‘Killer’ ng make up artist sa Batangas timbog

0 116

Advertisers

NASAKOTE ng mga pinagsanib na puwersa ng mga otoridad ng Lobo Municipal Police Station at ng San Francisco Municipal Police Station ang suspek sa pamamaslang at pagnanakaw sa isang biktimang make up artist sa bayan ng Lobo, Batangas nuon araw ng Sabado, January 31, 2026 sa bayan ng San Francisco sa lalawigan ng Quezon.
Kinilala ang suspek na si alyas “Ivan”, nasa hustong gulang at residente sa Barangay Damayan Lagi, Quezon City.
Ayon sa report ni Police Major Dante L. Majadas, ang hepe ng Lobo PNP agad silang nagtungo sa isang resort sa Quezon kung saan nakita ang suspek na si “Ivan” ayon na rin sa mga impormante kaya’t agad nila itong inaresto.
Matatandaan noong Lunes, January 26, 2026 natagpuang walang buhay at may sugat sa ulo at mga galos sa kanyang katawan ang biktimang make up artist na si Al Jhon Abag, 34-anyos, residente ng Brgy. Olo-Olo, miyembro ng LGBT sa tabing dagat ng Brgy. Fabrica sa Lobo na huling nakitang kasama ang suspek base sa kuha sa CCTV record bago nangyari ang krimen.
Narekober sa posisyon ng suspek ang isang Yamaha Aerox na may plakang 5880JX na motorsiklo at ilang mahahalagang gamit ng biktima na tinangay umano ng suspek.
Kasong Robbery with Homicide and Qualified Carnapping ang posibleng kakaharapin ng suspek na pansamantalang nasa kustodiya na ngayon ng Lobo Holding and Custodial Facility.(Koi Laura)