Advertisers
PINATAWAN ng guilty ng Sandiganbayan sa dalawang bilang ng kasong graft si dating Philippine National Railways (PNR) general manager Manuel Dinamarca Andal dahil sa iligal na pagpasok nito sa mga kontrata noong 2009.
Nakasaad sa 22-pahinang ruling, hinatulan ng anti-graft court si Andal ng walong taon at isang buwan hanggang 12 taon na pagkakakulong at perpetually disqualified na rin sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.
Inatasan din itong magbayad sa pamahalaan ng kabuuang P86,505,000.
Taong 2009 nang pumasok sa isang kasunduan si Andal sa Pandrol Korea Limitted at Nikka Trading nang walang authorization mula sa mga awtoridad.
Ayon sa Sandiganbayan, binigyan ni Andal ng “unwarranted benefit and advantage” ang dalawang kompanya dahil hindi nito idinaan ang transaksyon sa review ng DOTC Secretary.
Bukod dito, alam din ni Andal na ang mga materyales na inaalok ng Nikka Trading ay parehas lamang sa inaalok naman ng Pandrol Korea.
Itinuloy din anila ni Andal ang pagbili sa mga materyales na ito kahit pa walang go-signal mula naman sa Board of Directors ng PNR.