Advertisers

Advertisers

YNEZ NAKATIKIM NG PAMBABASH KAY MON

0 21

Advertisers

Ni Beth Gelena

Hindi feel ni Mon Confiado ang naging long time partner niyang si Ynez Veneracion sa retokeng pinagawa ng huli sa katawan o mukha.

“Ang ganda mo na, bakit pinagalaw mo pa?” tanong ni Mon.

Magkasama uli ngayon ang ex-celebrity couple sa isang pelikula.

Sa panayam kasi kay Ynez, naging open siya Ynez sa kanyang pagpaparetoke at hindi raw niya ito ikinahihiya.

Tanggap na rin daw niya ang pamba-bash ng netizens at hindi na siya naapektuhan sa tuwing pinagtsitsismisan ang kanyang mukha.

Ayon naman kay Mon, ” To be honest, noong una, medyo may mga reaction din ako katulad din nung mga bashers niya, alam ni Ynez iyon.

“Sabi ko, ‘Ang ganda-ganda mo na! Ang ganda ng ilong mo, ang ganda mo! Bakit mo pa pinabago?”
Magkagayunman ay pinagtanggol pa rin niya ang dating nakarelasyon.
“Pero minsan kasi, ganoon tayo, e. Di ba? Alam ko kasi ang back story ni Ynez from… kasi, 17 years kaming magkasama. So iyung self-confidence ay sobrang baba,” ang rebelasyon ng aktor.
“Kaya minsan iyong tao, talagang gagawin mo lahat para sa isip mo, maganda ka. Maging confident ka.
“So kung iyon ang makakatulong sa confidence niya, e, wala tayong karapatan para i-bash siya, di ba?”