Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Maraming realization na naibahagi si AiAi delas Alas sa estado ng kanyang buhay sa kasalukuyan.
Inamin naman niyang siya raw ang tipo ng babae na “all mine to give” o todo-todo magmahal na ina-attribute niya sa kanyang childhood.
Lumaki raw kasi siyang madalas nagsosolo sa bahay kaya naman para magkaroon ng companion ay gagawin niya ang lahat para hindi siya iwan ng kanyang lalakeng minamahal.
Busy daw kasi noon sa trabaho ang kanyang tiya na inhinyero na nagpalaki sa kanya kaya madalas ay naiwan siya kaya hinanap niya ang pagmamahal sa ibang tao.
Na-feel daw niya na madalas na ever present siya sa ibang tao pero in the end ay madalas din siyang nag-iisa.
Noong unang relasyon daw niya ay natutunan niyang walang magandang maidudulot ang pagiging kabit.
Sa ikalawa naman ay na-realize niya na walang buting hatid ang pagiging padalus-dalos.
Sa huli niyang relasyon, nakita raw niya ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili.
Sa panayam sa kanya ni Dina Bonnevie sa vlog ng aktres, inamin din niya na dati ay marami siyang kabaliwan sa buhay niya tulad ng pakikipagharutan sa mga lalake.
Na-realize rin daw niya ang importansya ng agwat ng edad at maturity sa isang relasyon.
Mensahe naman niya sa lahat ng lalake na nakasakit sa kanya kasama ang ex, napatawad na raw niya ang mga ito.
Isa pa rin daw sa napagtanto niya ay hindi kailangan ng lalake para maging masaya ang isang babae.