Advertisers
Kinumpirma ng Office of the Mayor na tatlo indibidwal ang nawawala at posible umanong natabunan ng gumuhong Sanitary Landfill sa Brgy., San Isedro Rodriguez Rizal.
Ayon ito kay Spokesperson Junie Castillo ng Office of Civil Defense batay sa ulat ng Office of the Mayor.
Ani Castillo, hindi pinanghahawaian ng kagawaran ang ibang detalye o numerong namatay dahil isinasailalim pa nila ito sa validation.
Nakapag-deploy na din umano ang OCD at ang Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB) upang magsagawa ng imbestigasyon sa insidente.
Sa ngayon, wala pa umanong pahayag ang private operator ng landfill.
Sinikap naman na kuhanin ng sumulat nito ang update ng kaso sa Montalban PNP at Rizal PNP Public Information Office ngunit alang sumasagot sa kanilang mga hotline na itinakda para sa mga agarang impormasyon. (Edwin Moreno)