Advertisers
COPY paste ko itong post mula sa FB account Fiscal EJ.
Maganda kasi ang kanyang analysis dito 18 ex-Marines kuno na nag-deliver ng kickback money sa ilang personalidad o politiko kabilang na si Pangulong “Bongbong” Marcos, mula kay dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.
Say ni Fiscal EJ: Bakit kontra si Atty. Topacio na isailalim sa one-on-one interview ang 18 ex-Marines?
May mga pagkakataon na ang affidavit ay “canned” o scripted. In the case of the Joint Affidavit, imposible kasi na 18 katao ang may saktong-sakto at identical na obserbasyon sa napakaraming pangyayari. Gusto ng NBI ng indibidwal silang interviewhin para i-test ang kanilang credibility.
At hindi “fishing expedition” ang ginagawa ng NBI. It’s called Case Build-up. Hindi pwedeng ipatawag agad ang mga inaakusahan nang wala pang matibay na ebidensya. Kailangan munang i-verify kung “airtight” ang kwento ng mga testigo. Kung ngayon pa lang ay butas-butas na ang salaysay, baka hindi ito pumasa sa standard of evidence ng Ombudsman at DOJ.
Sinasabi ni Topacio na yung akusado ang dapat tanungin. Baligtad. Ang burden of proof ay nasa 18 ex-Marines dahil sila ang nag-aakusa. At this point, hindi pa kailangan magpaliwanag ng mga inaakusahan hangga’t hindi pa kontento ang NBI na may sapat na ebidensya para sampahan sila ng kaso.
Ito na sana ang pagkakataon para patunayan ng 18 ex-Marines na totoo ang “male-maletang pera.” Pero bakit tumanggi? Sayang.
Sa legal strategy, kapag ayaw mong magpa-vet, para mo na ring inamin na hindi kaya ng kwento mo ang mainit na gisa. If it’s the truth, why fear the one-on-one?
Kung hindi kayang tumayo ng bawat testigo sa sarili nilang paa sa harap ng NBI, guguho lang ang kasong ito pagdating sa trial. Kasi sa korte, hindi pwedeng “chorus” ang pagsagot. Isa-isa silang isasalang sa witness stand para icross-examine.
Tumpak si Fiscal EJ.
***
Post ng beteranong mamamahayag na si Ramon Tulfo: Ang magiging Vice ni Sara sa kanyang pagtakbong presidente sa 2028 ay si Senador Rodante Marcoleta.
Malakas daw kasi ang religious backup ni Marcoleta.
At si Marcoleta raw ay nakikipagpatayan para sa Duterte kahit na ikasira ng kanyang pagkatao simula pa nung kongresista ito.
Kung bakit hindi Senador Bong Go?
Si Bong Go daw kasi eversince ay hindi kasundo ni Sara.
Ang loyalty kasi ni Bong Go ay kay ex-President Digong at sa “mistress” ng huli na si Honeylet.
Ang problema lang ni Sara ay ‘pag na-impeach siya. Hindi na siya makatatakbo pa sa kahit anong posisyon sa gobierno sa 2028.
Kaya kaabang-abang ang magiging resulta ng impeachment na ito sa pangalawang pangulo.
Sabi ni House Justice Committee chair Gerville Luistro, tatapusin nila ang impeachment ang impeachment sa loob ng dalawang buwan. Hindi raw sila magpapahinga kahit naka-recess ang kongreso, kahit sa linggo ng Semana Santa.
Subaybayan!