“FAN AKO NG ASAWA KO!” – Bulacan Vice-Governor Alex Castro on wife Sunshine Garcia of the SEXBOMB Girls
Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Pinagkuwento namin si Bulacan Vice-Governor Alex Castro tungkol sa misis niyang sikat na sikat ngayon, ang Sexbomb member na si Sunshine Garcia.
Matapos magpahinga ng maraming taon, December of last year ay nabuo ang reunion concert ng Sexbomb (nina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Mia Pangyarihan, Aifah Medina, Sugar Mercado, at marami pang iba) na sa sobrang tagumpay ay nagkaroon ng limang repeat shows in total at madadagdagan pa, including ang world tour ng grupo.
At lahad ni VG Alex, “Marami ring pinagdaanan yung asawa ko, e.
“Siyempre may career iyan, nung naging asawa ko naman iyan Sunshine Garcia na iyan kahit papaano, may regular show pero sinakripisyo niya lahat iyon, e.
“Katulad rin ng mga karaniwang babae na naging nanay, na they have their own career tapos iniwan nila iyon because of their family, na kailangan na nilang mag-alaga ng kanilang anak, kailangan nilang alagaan yung pamilya nila.
“And then nakita ko siyang ginagawa niya yung bagay na una niyang minahal, bago ako at yung mga anak namin, iyon yung unang minahal niya, yung pagsasayaw at matagal niyang ginawa iyon.
“At nung nakita ko siya, tapos nakita ko yung buong grupo nila, naging fan ako bigla!
“Kasi habang nagko-concert kasama ko yung mga anak namin, bitbit ko lahat ang mga anak namin nanonood, tapos nagbi-video ako, tumatayo ako.
“Naging fan ako ng asawa ko!
“Naging fan ako ng Sexbomb, dahil nakita ko yung pinagdaanan nila and then napa-proud ako sa asawa ko dahil nakita ko yung pinagdaanan niya, ngayon nakikita ko siyang sumasayaw, very graceful, tsaka yung passion niya nandun.
“So proud na proud ako kaya ganoon ako ka-supportive.
“Sa Rawnd 1 hanggang sa nag-Rawnd 2 parang… nakikita ko sila, napapanood natin di ba, ikaw nanood ka ng concert, ‘Napanood ko na yan, okay na yan!’
“Hindi e, iba-bang emosyon yung nakikita ko every Rawnd [round[, may nadadagdag, tapos nakikita ko din yung journey niya.
“Alam mo, sa totoo lang yung makita kang sumasayaw, maganda nang makita yun, maraming natutuwa sa iyo.
“Ang pinaka-importante yung talent nandun pa rin, magaling pa rin naman talaga, napahanga talaga ako.
“Ginagawa niya iyong mahal niyang gawin kaya supportive ako,” ang nakangiting saad pa ni Vice-Governor Alex.