Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
IPINAKILALA sa amin at nakahuntahan ang pito sa mga newbie actors na talent ng kilalang manager na si Jojo Veloso.
Ang pitong barakong ito ay sina Kent Domingo, Drix de Guzman, Richmond Parayno, Von Revilla, Charles Verbo, John Roy Manalo, at Ram Abrera.
Si Kent ay laking Los Angeles, California, ngunit mahusay siyang mag-Tagalog. Isa siyang commercial model at kabilang sa naging projects niya ay Golden Scenery of Tomorrow, Project Loki, at My Bestfriend. Ang showbiz crush niya ay si Bini Aiah.
Ang guwaping na si Drix ay kasama sa Project Loki, Sins of The Father, Kontrabida Academy, at Akusada. Member din ng Bini ang kanyang crush, ito’y si Bini Jhoanna.
Nagsimula sa mundo ng showbiz si Richmond nang siya ay 13 years old bilang isang talent. Nakalabas siya sa Project Loki at aabangan naman sa pelikulang Wonderful Nightmare nina Kim Molina and Jerald Napoles, at sa Mafia Boss. Ang tisay na si Liza Soberano ang kanyang showbiz crush.
Si Von ay isang commercial model at taga-Imus, Cavite. Napanood siya sa pelikulang Mandirigma at sasabak sa Mafia Boss. Graduate siya ng BS Criminology sa PCU. Gusto niyang sumabak sa kontrabida role at ang crush naman niya ay ang sexy actress na si Angeli Khang.
Si Charles ay mapapanood very soon sa Mafia Boss. Siya ay isang student athlete (taekwondo) sa UP Diliman. Dream niya raw noon sumabak sa comedy project, pero ngayon ay action-comedy na ang gusto niya. Idol niyang aktor si Dingdong Dantes at si Kathryn Bernardo naman ang crush niya sa mundo ng showbiz.
Isang model si John Roy at undergraduate sa kursong BS Criminology sa Lyceum of the Philippines. Game raw siyang sumabak sa VMX at dream niyang makatrabaho rito sina Angeli Khang at Ashley Lopez. Ang Kapuso actress naman na si Jillian Ward ang crush ni John.
Sa pitong artist na ito, si Ram Abrera lang ang sumasabak sa VMX. Mapapanood siya very soon sa pelikulang Tayuan 2 na pinagbibidaan ni Ashley Lopez. Intense at mainit daw ang love scene nila rito ni Dara Lima. Fave sexy actress ni Ram si Azi Acosta at sa actor naman ay si Benz Sangalang. Ang crush niya sa showbiz ay si Kim Domingo.
Dahil mainit na usapan ang sex video scandal ng ilang kilalang aktor, sakaling mangyari raw sa kanila iyon ay hindi sila magde-deny at aaminin nila ang totoo. Pero, sa ngayon ay focus talaga sila sa kanilang career at dahil daw sa nangyaring sex scandal, mas magiging maingat na sila pagdating sa mga maseselan at pribadong bagay.
Karamihan sa kanilang pito ay pawang mga Viva artist at ayon sa kanila, gusto nilang mabigyan ng pagkakataong ipakita ang kanilang talento sa pag-arte. Although majority sa kanila ay napapanood sa Viva One, palaban din sila para sa kanilang showbiz career at majority sa mga barakong ito ay game sumabak sa pagpapa-sexy, kung okay sa kanilang manager.