Advertisers

Advertisers

2 araw na transport strike generally peaceful – NCRPO

0 18

Advertisers

NAGING generally peaceful ang pagtatapos ng dalawang araw na transport strike nitong Biyernes sa Metro Manila.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Major Hazel Asilo, nagtapos na ang lahat ng 18 naganap na kilos protesta dakong 3:25 ng hapon ng mga transport groups.

Dagdag pa ni Asilo, walang naitalang untoward incident ang NCRPO dahil naging maayos naman umano ang pag-uusap at ang pagbibigay pagkakataon sa mga nagprotesta na magpahayag ng kanilang saloobin sa nagaganap na krisis ng langis sa bansa.



Kaugnay nito, tinatayang nasa 1400 na mga raliyista naman ang nakilahok sa nasabing aktibidad.

Samantala, naka-standby naman ang nasa higit 100 sasakyan ng pulisya para sa libreng sakay dahil inuuna munang gamitin ang mga sasakyan mula sa mga Local Government Unit (LGU) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).



Sinabi pa ni Asilo, tuloy-tuloy lang ang deployment ng nasa 900 personnel at dadagdagan na lamang ito para sa summer vacation at Holy Week.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">